Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 32: Ang nakaraan ni Jhaina



NAGISING si Jhaina na masakit ang ulo at maraming tao sa kanyang paligid.

"SI-sino kayo?" nanlalabo ang mga mata na tanong sa mga naroon.

Gusto niyang kumawala ngunit wala siyang sapat na lakas nang hawakan siya ng babae at lalaki. May sumapo sa kanyang mukha at tinapat ang maliit na flashlight sa kanyang mata. "Relax, Hija!"

Dinig niya na wika ng nakaputing damit at may hawak sa kanyang ulo.

"Natukoy n'yo na ba kung sino ang kanyang pamilya?" tanong ng doctor sa pulis na naroon.

Nakikinig lang si Jhaina sa pag-uusap ng mga ito. Ipinikit ang mga mata at unti-unting inalala ang lahat kung bakit siya naroon sa hospital.

...

"ALAM mo ba kung anong kahihiyan ang dinulot mo sa akin?" Bulyaw ni John Carl kay Jhaina.

"She choose me dahil alam niya kung gaano ka kagago!" hindi nagpapatalo na sagot nito sa kanyang kapatid. Matanda lamang ito ng isang taon sa kanya at iisang Universidad ang kanilang pinapasukan.

"Hindi iyan ang tinutukoy ko!" Mataas pa rin ang timbre ng boses nito at naikuyom ang kamao upang pigilan ang sarili na masuntok ang bunsong kapatid na kung umasta ngayon ay mas lalaki pa kaysa kaniya.

"Ahh, hindi mo matanggap na mas pogi ako kaysa sa iyo?" Nakakaloko na ngumiti si Jhaina sa kapatid. Hindi na siya natatakot na malaman ng buong pamilya niya ang matagal na niyang tinatago na tunay niyang kasarian. Mahal niya si Rochelle lalo na ngayon na binigyan din siya nang pagkakataon ng babae na maiparamdam dito ang kaniyang pagmamahal.

Hindi na napigilan ni John Carl ang sarili at malakas na sampal ang pinadapo sa mukha ng kapatid upang magising ito sa katotohanan. Tiyak na pagtatawanan siya ng mga kaibigan sa pinapasukang eskwelahan kapag nalaman ng mga ito na tomboy ang kanyang kapatid, masaklap pa ay kaagaw sa babaeng pinupormahan niya dahil sa pustahan nilang magbarkada.

"Babae ka, itatak mo iyan sa kinakalawang mong kukote!"

Namumula ang pisngi at mata ng dalaga, "hindi ako dapat umiyak, lalaki ako!" kuyom ang kamao na pinakalma ang sarili. Nilalabanan ang luha na gustong kumawala sa kanyang mga mata dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nasaktan siya ng kapatid na sobra siyang iniingatan noon tulad ng isang prinsesa.

"Anong kagulohan ito?!"

Dumadagundong na boses ng kanilang ama na kararating lang kasama ang kanilang ina.

"Jusmeyo, ano nangyari sa iyong mukha, Hijaa? Sino ang may gawa nito?" Naiiyak na tanong ni Lucy habang hinahaplos ang namumulang pisngi ng anak na may bakat pa ng kamay.

"Magsalita ka Carl, sino ang nanakit sa iyong kapatid?" Galit na tanong ni David sa anak na lalaki.

"Ako po!" Nakatungo ang ulo na sagot nito sa ama.

"No, Dad!" Agad na pumagitna si Jhaina nang tangkang pagbuhatan ng kamay ng kanyang ama ang kapatid. "Kasalanan ko po," nakayuko na rin ang ulo na wika ni Jhaina.

"David, pag-usapan natin ito at huwag saktan ang anak mo!" Tumulong na rin si Lucy na pakalmahin ang asawa. Babasaging kristal ang turing nito sa kanilang anak na babae kung kaya agad na nagalit sa nalaman. "Magpaliwanag kayo kung bakit kayo nag-away!" Tinuro nito ang upoan sa dalawang anak na alumpihit sa kinatatayuan.

Magkasiklop ang dalawang palad at nakayuko lang si Jhaina habang naglalahad ang kapatid sa kanilang mga magulang. Hindi na siya nagulat nang maging ang mga ito ay nagalit rin sa kanya. Kamuntik na siyang masaktan ng ama kung hindi lang naging maagap ang ina at niyakap ang ama nila upang ilayo sa kanya.

"Babae ka at hindi maari iyang gusto mo sa iyong buhay!" Bulyaw ni David sa anak na babae habang dinuduro ito.

"But I love her, Dad!" matapang na humarap siya sa ama.

"Anak, parang awa mo na at huwag mo nang dagdagan ang galit ng iyong ama!" Nataranta na si Lucy dahil parehong galit ang dalawang lalaki kay Jhaina ngayon. Maging siya ay hindi sang-ayon sa nais nito na magpakalalaki dahil kahihiyan iyon para sa kanilang pamilya.

"Ikaw rin ba, mom, hindi kayang tanggapin ang tunay kong damdamin bilang lalaki?" masama ang loob na tanong niya sa ina.

"Stop talking nonsense, Jhaina! Simula sa araw na ito, bahay at eskwela ka na lang at bawal ka nang lumapit sa babaeng iyon!" galit na deklara ni David. Napag-alaman niya na isang mahirap lamang si Rochelle at naka-avail ng scholarships kung kaya nakapasok sa mamahaling Universidad na iyon. Isang gold digger, iyon agad ang tingin nila ni Carl sa babae.

"No!" Tutol ni Jhaina sa ama, galit siyang umalis ng bahay at nagpunta sa kaibigan na nakakaunawa sa kanya upang mailabas ang sama ng loob mula sa pamilya.

Naglasing siya at umuwi mag-isa, hindi na napansin ang sasakyang parating ng siya ay tumawid ng kalsada. "Ako po ang daddy niya!"

Naputol ang pagbabaliktanaw kasabay ng pagdilat ng mga mata ni Jhaina nang marinig ang tinig ng ama. "Oh my, God! Ang anak ko!" Humagulhol ng iyak si Lucy pagkakita sa anak na nakaratay sa hospital bed. "Mom?" Namamaos ang boses at may pag-alinlangan pa na tawag niya sa kanyang ina.

"Anak, sino ang may kagagawan nito sa iyo? Halos hindi kami makatulog sa paghahanap sa iyo!"

"Mom, ok lang po ako kaya huwag ka nang umiyak." Pang-aalo nito sa ina na patuloy sa pag-iyak.

"Anong ok? Halos hindi ka na makilala sa hitsura mo ngayon!"

"Ma, sobrang lasing po kasi ako kagabi kaya hindi ko na napansin ang sasakyang bumangga sa akin."

"Hindi iyan ang finding result kung bakit ka narito ngayon!" Puno ng pag-alala na wika ni David nang marinig ang sinabi ni Jhaina.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" Nakakunot ang noo na tanong ni Jhaina.

"Anak, dalawang linggo kang nawala at ayon sa imbistigasyon ng mga pulis, may nakakita sa iyo na naglalakad sa kalsada na parang wala sa sarili. Namukhaan ka dahil kinalat namin sa diyaryo ang iyong mukha as missing person. Bago ka pa niya malapitan ay natumba ka at nabagok ang iyong ulo sa kalsadang pinagbagsakan mo." Mahabang paliwanag ni david dito.

"Saan ka namalagi anak sa dalawang linggong pagkawala mo?"

Natuliro si Jhaina sa mga sinabi ng ama at maging sa tanong ng ina. Wala siya ibang natatandaan kundi ang huling pangyayari ng araw na naglasing siya at may parating na sasakyan.

"Maari ko po ba kayong makausap muna?" Tawag ng doctor sa mag-asawa.

Parang mabiyak ang ulo ni Jhaina nang pilitin niyang balikan sa kanyang isip kung ano nga ba ang nangyari sa kanya at dalawang linggo siyang nawala. Nagpaiwan sa kaniyang silid ang kapatid na tahimik lang sa isang tabi. May pag- alinlangan na lumapit sa kanya at tahimik na hinawakan ang kanyang kamay na nakasapo sa sumasakit na ulo.

"Ano po ang problema, Doc?" tanong agad ni David dito nang makapasok sa opisina ng huli.

"Huwag niyo muna siyang pilitin na alalahanin ang nangyari sa kaniya. Huwag kayo mabibigla, pero sa nakikita ko ay nagkaroon siya ng traumatic on her mind kung kaya maaring kinalimutan niya ang nakaraang dalawang linggo. "May ibang dahilan ba kung bakit ginusto niyang kalimutan ang nangyari sa kaniya?" Nababahalang tanong ni Lucy.

"Gusto kong ipasuri ang katawan niya muli kung inyong marapatin?"

"May nangyari ba na hindi maganda sa kanya na kailangan namin malaman muna?" Salubong ang kilay na tanong ni David.

"She have a big injury on her head na maaring naging sanhi ng pagkawala ng kanyang memorya pansamantala. Pero pahilom na ito at sa aking sampatha ay nagamot siya ng maayos nang araw na naaksidente siya. Ngunit may nakita ako na some bruises on her arms and neck, mayroon ding marks na tandang may nagsamantala sa kanyang katawan."

Sabay na napasinghap ang mag-asawa sa huling sinabi ng doctor.

"Diyos ko, ang anak ko!"

Agad na dinalohan ni David ang asawa nang humagulhol ito ng iyak. Maging siya ay napapaiyak sa isiping-rape victim ang kanilang kaisa isang prinsesa. "Pagbabayarin ko ang sino mang gumawa nito sa anak natin!" Tiim bagang na wika ni David habang mahigpit na niyakap ang umiiyak na kabiyak.

"Bakit ang anak pa natin? Bakit nangyari ito sa kanya?" Mga katanungan ni Lucy sa asawa, gusto niyang sisihin ito ngayon kung bakit umalis ang anak nang araw na iyon na masama ang loob. Kung hindi nangyari iyong pagtatalo nila marahil ay hindi napahamak ang kanyang anak.

"Huwag po kayong mag-alala, sa kaso niya ngayon ay mas nakakabuting suportahan niyo siya sa nais niya sa buhay at huwag pilitin ipaalala ang nangyari sa kanya. Temporary amnesia lamang ang kanyang sakit ngayon. Ipa scan ko muli ang kanyang ulo upang masiguro na walang naapiktohan sa pagkabagok niya muli kanina." Pagbigay assurance ng doctor sa mag-asawa.

"Maraming salamat po, Doc. Gawin niyo kung ano ang nararapat at makakabuti sa kanya!" ani ni David bago inakay ang asawa palabas ng opisina.

"Dad, ano po ang sinabi ng doctor?" tanong ni John Carl sa ama nang makabalik na ang mga ito. Nabahala siya nang makitang tahimik na lumuluha ang ina.

Tumingin muna si David sa kinaroonan ni Jhaina.

"Tinurokan po siya ng pampatulog dahil sumakit bigla ang kanyang ulo kanina." Pagbigay alam ni John Carl sa ama.

"Huwag mo muna siyang tanongin sa mga bagay na nangyari sa kanya noong nawala siya." Malungkot na ani nito sa anak na lalaki habang nakatingin kay Jhaina na mahimbing ang pagkatulog.

"Ano po ba ang nangyayari?" Nainip na tanong niya muli sa mga magulang. Ang ina ay impit na umiiyak at lumapit sa kanyang kapatid. Samantalang ang ama ay bakas sa mukha nito ang awa at galit habang nakatingin kay Jhaina.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.